Centenarian sa Cagayan nabigyan na ng 1st dose ng COVID-19 vaccine

Tumanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine, ang isang 104 na taong gulang na lalaki mula sa Barangay Labben sa Allacapan, Cagayan.

Si Ginoong Isidro Agpoon ang pinakamatandang binakunahan sa Cagayan.

Ayon kay lolo Isidro, wala siyang naramdamang sakit o naranasang side effects makaraang maturukan ng AstraZeneca vaccine, hanggang sa makauwi sa kanilang tahanan.

Sinabi naman ni Dr. Krizel Barcena Quines, ang doktor na nagbakuna sa kaniya, hindi nagdalawang isip si lolo Isidro na magpabakuna.

Ulat ni Cesar Agcanas

Please follow and like us: