Higit isang milyong halaga ng marijuana, nasabat sa Kalinga

Nasa kabuuang 1.2 milyong halaga ng dahon ng marijuana ang nakumpiska ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa anti-drug operation sa Kalinga province.

Isinagawa ang operasyon sa Purok 6, Kalagdao, Bulanao, Tabuk City Kalinga.

Nasa kabuuang sampung bricks ng marijuana leaves ang nasabat ng mga otoridad.

Naaresto rin sa operasyon ang suspek na nakilalang si Vierniel Dawangan Bigot, 24-anyos at kabilang sa listahan ng Top 10 Illegal Drug Personality sa Cordillera region.

Please follow and like us: