Charlie Atong Ang mayroon umanong mga protektor sa NBI ayon kay Aguirre

Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang limang NBI agents na protektor aniya ng gambling operator na si Charlie Atong Ang.

Sinabi ng Kalihim na tukoy na niya ang pangalan ng mga ahente ng NBI na matagal ng hawak ni Ang.

Isa sa mga ito ang nagtimbre kay Ang na ipapapatay siya  nina Aguirre at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Nag-imbento lang anya ng kwento ang naturang NBI agent  kay Ang na may banta sa buhay nito para makuha ang simpatya at para kumita mula kay Ang.

Ayon pa kay Aguirre, may impormasyon siya na may mga dating opisyal ng NBI na naging protektor ng gambling operator.

Una nang inatasan ni Aguirre ang NBI para imbestigahan ang paratang ni Ang laban sa kanya.

Itinanggi naman ni NBI Director Dante Gierran na sangkot ang ahensya sa anomang panggigipit o banta sa buhay ni Ang.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *