Chinese Amb. Huang Xilian, dinaluhan ang NEU China Studies Center 1st Anniversary

Ginugunita ngayong araw ang unang anibersaryo ng China Studies Center  ng School of International Relations ng New Era University (NEU).

Panauhing pandangal sa okasyon si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Binati ni Xilian ang mga faculty at mga estudyante ng China Studies Center sa pagsapit sa unang taon nito.

Umaasa ang Chinese envoy ng mas marami pang tagumpay sa paaralan sa darating pang mga taon.

Sinabi pa ni Amb. Huang na hindi maiiwasan sa mga magkapitbahay na bansa tulad ng Tsina at Pilipinas na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan at pagkakaalitan.

Pero ang mahalaga aniya ay resolbahin ito sa pamamagitan ng dayalogo at hindi dapat ng mga provocation.

” This is not only a proven way to get along with neighboring countries  and  part of our Asian values featuring peace cooperation inclusiveness and integration ” ani Amb. Huang Xilian.

Ayon naman kay Dr. Carlos Tabunda Jr., Dean ng School of International Relations, simula nang ilunsad ang China Studies Center ay nagsagawa sila ng mga serye ng mga aktibidad para lalong isulong ang friendly relations ng Pilipinas at Tsina.

Kabilang sa mga programa na inilunsad ng Study Center ay ang short courses sa Mandarin Language.

Sinabi naman ni Dr. Tabunda na handa ang NEU China Studies Center para buksan ang mga pag-uusap at dayalogo sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito ay lalo na’t hindi aniya masyadong mabuti ang relasyon ng Pilipinas at Tsina sa ngayon bunsod ng “political tensions.”

Tiniyak din ni Dr. Tabunda na sa kabila ng mga hamon sa ugnayan ng Tsina at Pilipinas ay bukas ang NEU China Studies Center at mananatiling kaibigan ito ng Chinese Embassy at ng China.

“We at New Era University China Studies Center still aim to foster better people to people relationship”

Moira Encina

Please follow and like us:

1 thought on “Chinese Amb. Huang Xilian, dinaluhan ang NEU China Studies Center 1st Anniversary

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *