Chinese National na umano’y money launderer para sa mga iligal na POGO, arestado ng BI

Courtesy: Bureau of Immigration
Arestado ng mga operatiba ng Bureau of Immigration ang isang chinese national na money launderer umano para sa mga iligal na POGO.
Kinilala ng BI ang dayuhan na si Wang Zhouyu, 35 anyos, na naaresto sa isang operasyon sa Pasay City.
Ayon sa BI si Wang ay wanted rin sa China at may kinakaharap rin na warrant of arrest mula sa Qinhuangdao Public Security Bureau dahil sa Fraud.
Kasama ang iba pang kasabwat ni Wang ay bumuo umano ng isang network na sangkot sa money laundering activities at may kasabwat umano sa mainland China.
Aabot umano sa 19 milyon chinese yuan ang na-trace na financial transaction ng mga awtoridad
Nakadetine na sa BI Facility sa Taguig si Wang.
Madelyn Villar-Moratillo