Chinese tourists sa bansa nitong 2022, umabot pa lang sa 23K– DOT

Nasa 23,000 pa lang ang Chinese na nagtungo sa Pilipinas ngayong 2022.

Sa pinakahuling tala ng Department of Tourism (DOT), kabuuang 23,482 ang Chinese visitors ngayong taon.

Noong 2021 ay nakapagtala naman ang DOT na 6,615 Chinese nationals na nagtungo sa Pilipinas habang 17,454 noong 2020.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco mababa ang nasabing bilang kumpara sa 1.7 milyong Chinese tourists sa bansa noong 2019 dahil sa hindi pa bukas ang borders ng Tsina para sa outbound leisure travel.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.