Chopper, bumagsak sa Mount Maculot

Dalawa ang kumpirmadong patay at anim ang sugatan kaugnay sa pagbagsak ng isang chopper noong linggo ng hapon sa kagubatan at bulubundukin ng Mount Maculot sa  lalawigan ng Batangas.

Subalit nilinaw naman sa Twitter account ni dating Senador Richard Gordon ng Philippine Red Cross. Hindi daw chopper kundi isang private plane ang bumagsak.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insedente kung ano talaga ang dahilan ng pagbagsak nito sa nabanggit na lugar.

Please follow and like us: