CHR hinamong kasuhan ang mga Pulis na umabuso sa mga anti-drug operation

Hinamon ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang Commission on Human Rights (CHR) na magsampa ng kaso laban sa mga pulis na umano’y umabuso sa drug related operations.

Kasunod ito ng report ng CHR na nagsasabing matindi umano ang naging paggamit ng puwersa ng mga pulis at may intensyon talagang pumatay ng mga drug suspect.

Batay na rin umano ito sa ginawa nilang pagbusisi sa libu-libong drug related killings sa War on Drugs ng Duterte Administration.

Pero sabi ni Dela Rosa, 2016 pa ito sinasabi ng CHR.

Kung talaga aniyang may ebidensya, dapat iaakyat na sa Korte ang mga kaso dahil baka maakusahan lamang ang CHR ng Black Propaganda.

Si Dela Rosa ay isa sa mga naipatawag noon sa imbestigasyon ng Senado sa mga kaso ng extra judicial killings.

Meanne Corvera

Please follow and like us: