Ilang bahagi ng Baranggay Navotas East, isinailalim sa lockdown

Dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa Navotas, kaya nilagdaan ang Excutive Order No.TMT 052  series of 2021

Ayon kay Barangay Captain Dennis San Juan, ito ay upang isailalim sa lockdown ang ilang bahagi ng Navotas East, particular ang LR Yangco street.

Aniya, may inilaan namang food pack ang pamahalaang lungsod ng Navotas para sa mga tatamaan ng lockdown.

Nakapagtala ksi ang naturang lugar ng kabuuan 69 na nagpositibo sa sakit.

Una nang inihayag ng Dept. of Health (DOH), na ang Navotas ay may kaso nan g bagong variant gaya ng B 1.1.7 o UK Variant at B1351 o South African variant, na tinitingnang sanhi ng mabilis na pagdami ng kaso sa lungsod.

Tatagal ang lockdown hanggang sa Abril a-4 ng taong kasalukuyan.

Ulat ni Edison Domingo, Jr..

Please follow and like us: