City hall compound ng Gapan City, Nueva Ecija inilagay sa lockdown

Isinailalim sa lockdown ang buong city hall compound ng Gapan City, Nueva Ecija dahil sa kaso ng COVID-19.

Kaugnay nito, ipinagutos ni Gapan City RTC Executive Judge Elenita Evangelista- Casipit ang pansamantalang suspensyon ng pasok ng mga empleyado ng Hall of Justice hanggang sa December 11, Biyernes.

Ito ay bilang suporta sa hakbangin ng lokal na pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng COVID sa lugar.

Gayunman, pwedeng magsagawa ang mga hukom ng videoconferencing hearings kung posible.

Pwede ring ma-contact ang mga korte sa pamamagitan ng kanilang hotlines at email addresses.

Moira Encina

Please follow and like us: