League of municipalities ng bulacan naglabas ng manifesto ng pagsuporta sa ginawang pagsuspinde sa business permit ng NLEX

Naglabas ng manifesto ng pagsuporta sa Valenzuela ang League of municipalities ng Bulacan.

Ito’y kaugnay ng ginawang pagsuspinde sa business permit sa anim na toll plaza sa Valenzuela dahil sa palpak na RFID system.

Hiniling din nila na maglagay muna ang NLEX ng cash lane para maiwasan ang build up ng mga sasakyan sa kanilang lugar habang hindi pa maayos ang sistema.

Nakasaad sa manifesto na matindi na rin daw kasi ang epekto ng traffic sa pagluluwas ng kanilang mga produkto na nakakaapekto na sa maraming negosyo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: