Civil Service Commission, tinuligsa ang pagpatay sa Regional officer sa Tuguegarao City

Binatikos ng Civil Service Commission ang pagpatay sa isa sa mga Regional officers sa Tuguegarao City.

Pinatay ng motorcycle-riding gunmen ang Regional Director ng Cagayan Valley (Region II) na si Atty. Neil Agustin sa Gonzaga St. Extension sa Barangay Centro.

Sa pahayag ng CSC sa isang email, nakikipaugnayan na sila sa PNP para matukoy ang mga impormasyon na magbibigay linaw sa pagpatay kay Agustin.

Tinukoy din ng CSC ang pagkapatay sa kanilang field officer, Senior Human Resource Officer ng ARMM na si Marvin Ablando, na napatay dahil sa stray bullet na dulot ng kaguluhan sa Marawi City.

Binigyang diin pa ng CSC na binuhos ng dalawa ang kanilang buhay para pagsilbihan ang mga tao at hindi katanggap tanggap ang nangyari sa mga ito.

Ulat ni: Bea Miranda

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *