COMELEC, handa nasa SK at barangay elections sa Oktubre

Handa na ang Commision on Elections o COMELEC sa darating na Barangay at SK election sa darating na Oktubre ngayong taon.

Ito ang sinabi ni COMELEC Chairman Andres Bautista sa isinagawang symposium-seminar sa New Era Univerrsity.

Batay aniya ito sa nakasaad na batas, kung kaya tuloy-tuloy din at nakatuon ngayon ang COMELEC sa pagpaparehistro ng mga botante.

Pagkatapos ng registration sa Abril ay gagawin naman nila mga kaukulang paghahanda para sa SK at Barangay elections sa Oktubre.

Ulat ni: Jet Hilario

Please follow and like us: