Comelec tiniyak na makakaboto parin ang mga bakwit sa darating na BSKE

Tiniyak ng Commission on Elections na makakaboto sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30 ang mga kababayan nating inilikas at patuloy na nananatili sa mga evacuation center hanggang ngayon.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nakatanggap sila ng ulat mula sa kanilang local offices na may mga botanteng inilikas dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng bulkang mayon at bulkang taal.

Sinabi ni Garcia, kung napalayo sila sa kanilang lugar handa ang Comelec na dalhin ang polling centers sa mga evacuation center.

Wala naman aniyang problema kung walang dalang identification cards ang mga ito dahil may records naman sila sa Comelec.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *