COMELEC tiwala na magiging patas ang mga bagong commissioners

Ipinagtanggol ni COMELEC Spokesperson James Jimenez ang mga bagong hirang na commissioners ng poll body mula sa mga pagbatikos sa appoinments ng mga ito.

Partikular na kinukuwestiyon ng ilan ang pagkakatalaga kay Commissioner George Garcia na kilalang election lawyer sa ilang high-profile na kaso at mga politiko.

Ayon kay Jimenez, tiwala ang komisyon na magiging patas si Garcia.

Inihalimbawa ni Jimenez si dating COMELEC Chair Sixto Brillantes na isa ring election lawyer bago mahirang na pinuno ng komisyon.

Sinabi ni Jimenez na dapat bigyan ng oportunidad ang mga bagong opisyal na mapatunayan ang kanilang impartiality at neutrality.

Ang pinakamahalaga rin aniya ay ang mga kakayanan at expertise ng mga appointees na maiaambag nila sa COMELEC.

Moira Encina

Please follow and like us: