Commute challenge ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kasado na bukas, Biyernes

Handa na si Presidential Spokesman Salvador Salvador Panelo para sa kanyang commute challenge.

Sinabi ni Panelo na tinanggap niya ang hamon ni Bayan Secretary General Renato Reyes para patunayang walang transport crisis sa Metro Manila.

Ayon kay Panelo naniniwala siyang mayroong suffering crisis sa mga commuters dahil sa matinding pagdurusa sa trapiko na nararamdaman din ng mga pribadong mamamayan na may sariling sasakyan.

Inihayag ni Panelo na gagawin niya ang commute challenge ng walang media coverage, walang bodyguard at hindi sasabihin kung anong oras at saang lugar sasakay ng public transport.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *