Confession ni Lascanas maaring maging basehan ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte

digong

Maari umanong magamit na ebidensya ang ginawang pag-amin ni SPO3 Arturo Lascanas para masampahan ng impeachment complaint si PangulongRodrigo Duterte.

Pero nilinaw ng Free Legal Assistance Group o FLAG na hindi sila
maghahain ng reklamo laban sa pangulo sa halip ipauubaya ito sa mga miyembro ng kamara.

Ayon kay Atty Pablito Sanidad Sr, dating Presidente ng FLAG, dahil may immunity from suit ang Pangulo, maari lang itong papanagutin sa kaso sa pamamagitan ng impeachment.

Hawak na nila ngayon ang affidavit na pinanumpaan ni Lascanas
dalawang buwan na ang nakalilipas at handa nila itong bigyan ng legal assistance dahil maituturing itong isang credible witness.

Paglilinaw rin ni Sanidad, hindi nila pinilit si Lascanas at boluntaryo itong lumapit sa kanila para idetalye ang mga nalalaman sa nangyaring mga pagpatay sa Davao na kinasasangkutan ng Davao Death Squad o DDS.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us: