Copeland Gymnasium sa UPLB, gagamiting COVID-19 vaccination site

Courtesy: UPLB Facebook Page

Sinimulan na ng UP Los Baños ang paghahanda nito sa COVID-19 vaccination ng lokal na pamahalaan ng LB na gaganapin sa Copeland Gymnasium.

Ayon sa UPLB, inalok ni Chancellor Jose Camacho Jr. ang pasilidad ng pamantasan kay Mayor Antonio Kalaw para pagsagawaan ng pagbabakuna sa mga residente.

Ang Copeland Gym na nasa loob ng UPLB ang napiling vaccination center para sa mga senior citizen o Priority A2 group na residente ng Los Baños.

Itinakda sa Abril 22 hanggang 24 ang unang round ng vaccination sa Copeland Gym.

Makatatanggap ng text o tawag mula sa LGU ang mga residente na nakatakdang bakunahan at hindi papayagan ang mga walk-ins.

Target ng LB municipal government na makapag-bakuna ng 150 residente kada araw.

Nakikipag-ugnayan naman ang pamantasan sa Los Baños Municipal Health Office para matiyak ang maayos na vaccine rollout sa campus.

Moira Encina

Please follow and like us: