Court of Appeals Visayas at Mindanao stations, pisikal na sarado hanggang Enero 31

Ipinagutos din ang pisikal na pagsasara ng Court of Appeals Visayas at Mindanao stations hanggang sa katapusan ng buwan.

Sa kautusan ni CA Presiding Justice Remedios Salazar- Fernando, sinabi na tanging mga opisyal at kawani mula sa essential offices ang pinapayagan na pumasok on-site para tapusin ang mga urgent na trabaho.

Kaugnay nito, suspendido ang personal filing ng mga pleadings at court submissions at ang mga ito ay dapat na isumite sa pamamagitan ng e-filing.

Ang mga adjudicatory at administrative functions ay maaring isagawa thru videoconferencing.

Inabisuhan din ang mga mahistrado, opisyal, at kawani ng CA Visayas at Mindanao na iwasang lumabas ng bahay maliban kung talagang kinakailangan.

Moira Encina

Please follow and like us: