Tangkang pagtakas ni Kerwin Espinosa at dalawang iba pa sa NBI detention facility, napigilan

Mas hinigpitan pa ang seguridad sa NBI Detention Center sa Maynila matapos ang tangkang pagtakas ni Rolan “Kerwin” Espinosa at dalawang iba pa.

Kinumpirma ni NBI OIC Director Eric Distor na noong Enero 13 nakatanggap ng impormasyon ang NBI- Security Management Section na balak nina Espinosa na tumakas sa pamamagitan ng butas ng exhaust fan sa kisame.

Courtesy: NBI

Agad naman aniya itong inaksyunan ng pamunuan ng security division ng NBI kaya napigilan ang planong pagtakas nina Espinosa.

Sa parehong gabi aniya ay nag-inspeksyon kaagad ang NBI-SMS sa kulungan.

Sa isa sa mga selda ng piitan, napansin ng raiding team ang isang deformed na exhaust fan at nang ito ay tanggalin ay nakita ang butas na sapat ang laki para makatakas ang isang detainee.

Kaugnay nito, nagsasagawa na nang regular na inspeksyon sa mga kulungan sa NBI bilang paghihigpit.

Moira Encina

Please follow and like us: