Covid-19 cases sa Aurora province, nasa 100 na

Sumampa pa sa 100 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Aurora.

Ito’y matapos maragdagan ng 5 ang mga confirmed cases.

Batay sa tala ng Aurora Emergency operation center, ang bayan ng Dipaculao ang may pinakamaraming kaso kung saan umabot sa 75 ang confirmed cases.

Pero sa kabuuang bilang, 9 ang aktibong kaso, 3 ang patuloy na ginagamot at 89 ang nakarekober na sa karamdaman.

Nanatili naman sa dalawa ang mga namatay dahil sa Covid-19.

Pauline Marie Villamar, EBC Correspondent

Please follow and like us: