Covid-19 cases sa bansa, umakyat na sa 324,762

Pumalo na sa 324,762 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,291 bagong virus infection.

Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 825 new cases.

Sinundan ng Batangas na may 140 new cases, Laguna na may 128 new cases, Rizal na may 114 new cases at Cavite na may 102 new cases.

Nakapagtala naman ang DOH ng 87 na bagong gumaling mula sa Covid- 19.

Dahil dit, umakyat na sa 273,123 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa Covid-19 sa bansa.

Nakapagtala naman ng 64 na bagong nasawi dahil sa virus.

Ayon sa DOH, sa bilang na ito 7 ang nasawi ngayong Oktubre, 34 noong Setyembre, 8 noong Agosto, 14 noong Hulyo, 1 noong Mayo.

Sa ngayon, pumalo na sa 5 840 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid-19.

May 26 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng Covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.

Madz Moratillio

Please follow and like us: