Bilang ng mga tauhan ng PCG na nagpositibo sa covid – 19 , umakyat na sa 1630

Umabot na sa 1,630 tauhan ng Philippine Coast Guard ang nagpositibo sa covid 19.

Pero ang magandang balita ayon sa PCG, 1,560 na sa mga nagpositibo sa virus ang gumaling na.

Nananatili ring walang nasasawing PCG frontliners dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ayon sa PCG ay nasa 70 na lamang ang active cases ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Tiniyak naman ng PCG ang regular na monitoring sa kondisyon ng kanilang mga tauhang tinamaan ng virus.

Lalo na ang 22 kaso umano ng reinfection kung saan 5 pa ang active cases.

Habang ang 17 ay gumaling naman na mula sa ikalawa at ikatlong reinfection ng virus.

Madz Moratillo

Please follow and like us: