COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 441,000

Umabot na sa 441,399 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 24,125 lamang ang aktibong kaso.

May 1,574 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 187 new cases, Rizal na may 96 new cases, Pampanga na may 80 new cases, Quezon City na may 69 new cases at Pasig na may 59 new cases.

Mayroon namang 80 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 408,702 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 18 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8, 572 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: