COVID-19 daily cases sa buong mundo lumampas na sa 2 milyon, bilang naman ng namamatay bumababa

Photo: AFP

Nakapagtala ang buong mundo ng higit dalawang milyong daily average Covid cases sa pagitan ng Jan. 1 at 7 na ang bilang ay dumoble sa loob ng 10 araw.

Average na 2,106,118 na bagong daily infections ang napaulat sa seven day period, matapos namang malampasan ang one million case threshold noong Dec. 23-29, 2021.

Ngayon ang global case numbers ay sumirit ng 270% mula nang madiskubre sa South Africa sa huling bahagi ng Nobyembre ang lubhang nakahahawang Omicron variant.

Subali’t ang Covid-related deaths ay nasa kaniyang pinakamababang level mula noong October 2020, na may average na 6,237 per day na naitala sa pagitan ng January 1 at 7.

Please follow and like us: