Talampas sa Brazil gumuho, pito katao patay

Photo: Handout Minas Gerais Fire Department/AFP

Pito katao ang nasawi nang bumagsak sa mga bangkang may sakay na mga turista ang isang bahagi ng talampas sa Brazil.

Agad namang rumesponde ang rescue teams, dive squad at mga kagawad ng Brazilian Navy sa Furnas Lake sa estado ng Minas Gerais.

Ayon kay Minas Gerais firefighters spokesman Pedro Aihara, may tatlo ring nawawala sa nangyaring aksidente, at 32 ang sugatan na ang siyam ay dinala sa ospital.

Ang Lake Furnas ay dinarayo ng mga turista dahil sa rock walls nito, caverns at waterfalls.

Sinabi ng mga bumbero na maaaring ang malalakas na mga pag-ulan sa mga nakalipas na araw, ang sanhi ng pagguho.

Please follow and like us: