Covid-19 cases sa hanay ng mga overseas Filipino, mahigit na sa 16,000

Patuloy na tumataas ang kaso ng Covid-19 sa hanay ng mga Filipino sa ibang bansa.

Sa pinakahuling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), umakyat na sa 16,398 ang virus infection matapos maragdag ang apat na bagong mga kaso.

Ang bagong mga kaso ay nagmula sa rehiyon ng Asia Pacific.

Wala namang naitalang bagong mga nakarekober at mga nasawi dahil sa virus kaya nanatili sa 10,048 ang recovery cases at 1,049 ang death toll.

Please follow and like us: