Mga healthcare workers at iba pang tauhan ng BuCor, sinimulan na ring bakunahan kontra COVID-19

Tumanggap na rin ng bakuna kontra COVID-19 ang mga medical personnel at iba pang kawani ng Bureau of Corrections.

Ayon sa BuCor, kabuuang 200 tauhan nito ang binakunahan na laban sa COVID.

Karamihan sa mga ito ay mula sa BuCor Medical Team at mga health workers ng kawanihan.

Nakatuwang ng Bucor Directorate for Health and Services ang DOH sa paunang vaccination rollout sa ahensya.

Isinagawa ang pagbabakuna sa New Conference Room, New Bilibid Prison Admin Building.

Tiwala ang pamunuan ng BuCor na ang vaccination program sa kawanihan ay mahalagang hakbang para mapababa at tuluyang makontrol ang pagkalat ng virus sa mga prison facilities.

Moira Encina

Please follow and like us: