Covid-19 cases sa hanay ng PNP, nasa higit 19,000 na

Pumalo na sa 19,105 ang kaso ng Covid-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Ito’y matapos makapagtala ng panibagong 162 kasong virus infection sa kanilang hanay.

Sa datos ng PNP, mula sa nasabing bilang, 2,123 ang aktibong kaso.

Samantala, nakapagtala rin ng mga panibagong 156 na gumaling sa karamdaman kaya umakyat na sa 16,931 ang total recoveries sa PNP.

Wala namang karagdagang mga namatay dahil sa sakit kaya nanatili sa 51 ang Death toll.

Please follow and like us: