Kaso ng Covid-19 sa hanay ng Filipino abroad, higit na sa 18,000

Pumalo na sa 18,165 ang kaso ng Covid-19 sa hanay ng mga Filipino sa ibang bansa.

Ito’y matapos makapagtala ng panibagong 5 kaos ng virus infection sa ating mga kababayan sa ibang bansa.

Pero ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nananatili naman sa 11,162 ang mga nakarekober at wala ring naragdag sa mga namatay kaya nasa 1,121 pa rin ang death toll.

Nananatiling ang Middle East and Africa ang mga rehiyong may pinakamaraming kaso, recoveries at death habang ang Amerika at Asia Pacific region ang may pinakamababang kaso, recoveries at death.

Please follow and like us: