Covid 19 Registration and QRCodes booths ilulunsad ng Sta. Cruz Laguna LGU sa susunod na linggo

Ilulunsad sa susunod na linggo ng Sta. Cruz Laguna LGU ang kanilang Covid -19 Registration booths at Quick Response o QR codes.
Layunin nito mapadali ang vaccination rollout sa sta. cruz laguna sa susunod na linggo. 
Naglagay na rin ang mga opisyal ng Sta. Cruz LGU ng mga impormasyong naglalaman ng kahalagahan ng pagpapabakuna kontra Covid 19.
Hinihikayat na rin ni Sta. Cruz Laguna Mayor Edgar San Luis sa kaniyang mga mamamayan na huwag matakot magpabakuna dahil ito ay proteksiyon laban sa nakakahawang sakit. 
Ito rin aniya ang magbibigay ng ligtas na pamumuhay sa kanilang pamilya kung kaya’t marapat lamang na sila ay magparehistro para makatanggap ng bakuna. 

Please follow and like us: