5 Million worth ng poultry multiplier breeder farm, ipinagkaloob ng Dept. of Agriculture Calabarzon sa Sta. Maria Laguna LGU.

Aabot sa 5 milyong pisong halaga ng poultry multiplier breeder farm ang ipinagkaloob ng Dept. of Agriculture Region 4a sa Sta. Maria, Laguna.
Layunin ng proyektong ito ng D.A na masuportahan ang kabuhayan ng mga residente na dati nang nagsipagtrabaho sa ibang bansa at maging ang mga dating empleyado sa probinsiya na nawalan ng trabaho dahil sa pandemiyang hatid ng covid 19.
Ayon kay  Sta. Maria Laguna Mayor Ma. Rocelle “Cindy” Carolino, inaasahan nilang makakapagbigay ito ng maraming oportunidad sa mga residente ng barangay, kung saan aniya ay hindi na nila kinakailangan pang lumayo upang makahanap ng trabaho. 
Nagpasalamat din ang alkalde sa tulong pangkabuhayan na ipinagkaloob sa kanila ng D.A para sa kanilang mga mamamayan.

courtesy: Dept. of Agri. Reg. 4a

Please follow and like us: