COVID-19 vaccination sa A4 priority group sa CALABARZON, hindi pa nagsisimula

Hindi pa nasisimulan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga kabilang sa A4 priority population sa CALABARZON.

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON noong June 12.

May 12 manggagawa na nasa A4 group ang una nang nakatanggap ng unang dose ng AstraZeneca sa isinagawang ceremonial vaccination noong Labor Day.

Pero, hindi pa ito nasusundan ng iba pang A4 o economic frontliners sa rehiyon.

Halos 74,000 naman na healthcare workers o A1 group ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID sa Region IV-A.

Umaabot naman sa halos 62,000 senior citizens at mahigit 53,000 may comorbdities ang fully vaccinated.

Moira Encina

Please follow and like us: