COVID-19 Vaccination Simulation isinagawa na sa Pakil, Laguna.

Nagsagawa na ng COVID-19 Vaccination Simulation activity ang mga opisyal sa Pakil, Laguna.

courtesy: C.I.O San Pablo City Laguna

Binisita rin ng mga kawani ng DOH region 4a ang vaccination site gayundin ang mga pasilidad para sa pagsasagawa ng rollout ng COVID-19 Vaccination sa kanilang lugar.

Ayon kay Pakil, Laguna Mayor Vince Soriano, hinihintay na lamang ng kaniyang tanggapan ang resulta ng assesment ng DOH.

Sinabi pa ng alkalde na inaasahan nila na sa mga susunod na linggong obserbasyon, tinatayang 300 residente ang makakatanggap ng bakuna sa kanilang lugar sakaling dumating na sa kanilang bayan ang COVID-19 Vaccine.

Please follow and like us: