COVID-19 vaccine ng Pfizer pinayagan ng magamit sa mga nasa 5-11 yrs old

Pwede na ring mabakunahan kontra Covid-19 ang mga batang nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Ito ay matapos aprubahan ng Food and Drug Administration ang aplikasyon ng Pfizer para sa Emergency Use Authorization ng kanilang Covid 19 vaccine para sa nasabing age group.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, batay sa ginawang clinical trials 90% ang efficacy rate ng Covid 19 vaccine ng Pfizer para sa 5-11 yrs old.

Pero nilinaw ni Domingo na hindi pwedeng gamitin para sa 5-11 yrs old ang Pfizer vaccines na ginagamit ngayon dito sa bansa.

Ayon kay Domingo, sa Enero target ng gobyerno na masimulan ang vaccine roll out para sa mga bata.

Madz Moratillo

Please follow and like us: