Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa 288

Nakapagtala ng 288 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Sa kabuuan , umabot na sa 2, 837, 903 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito 9,251 ang aktibong kaso.

May 270 na naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 2,777, 671 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 65 namang naiulat na nasawi , kaya umabot na sa 50,981 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, may 2 laboratoryo ang hindi operational noong December 21, habang May 11 laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 document repository system.

Madz Moratillo

Please follow and like us: