DA Usec. Panganiban itinalaga bilang SRA OIC

Itinalaga si Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban bilang officer-in-charge (OIC) sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

Sa isang zoom interview, sinabi ni SRA Board Member Pablo Luis Azcona na si Panganiban ang papalit sa pwestong binakante ni David Alba, kulang isang buwan matapos i-anunsyo ng Malacañang ang pagbibitiw nito dahil sa kaniyang kondisyong pangkalusugan.

Sa pagtatalaga kay Panganiban bilang OIC, sinabi ni Azcona na aakto din ito bilang Chairman ng SRA Board, bilang kinatawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siya namang kasalukuyang kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura.

Pangangasiwaan ni Panganiban ang daily routine activities sa SRA hanggang sa maitalaga ang bagong OIC.

Dagdag pa ni Azcona na ang pinaka-senior deputy administrator ng SRA ang mas malamang na maitala bilang OIC o administrator.

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *