Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, epektibo na

price hike

Nagpatupad na ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Total, Petron, Eastern Petroleum, Unioil, PTT, Seaoil, Phoenix, Shell, at Jetti,₵40 centavos ang rollback sa presyo ng kanilang Gasolina simula  kaninang alas-6:00 ng umaga.

Gayunman, nagpatupad naman ng dagdag na ₵35 centavos sa presyo ng kada litro ng Diesel.

Nagtaas rin ng ₵30 centavos ang presyo ng kada litro ng Kerosene ng mga kumpanyang Petron, Seaoil at Shell.

Parehong presyo rin ang ibinaba at itinaas ng kumpanyang Flying V sa kanilang mga presyo.

Samantala, mas maaga silang nagpatupad ng price hike kanina pang hatinggabi.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *