Dalagitang Pinay na Little Miss Universe 2021, kilalanin

Si Marianne Beatriz Batalla Bermundo, 14-anyos at tubong Maynila ang dalagitang Pinay na may hawak ngayon sa titulong Little Miss Universe 2021.

Tulad ng karaniwang kabataan, si Marianne ay nahilig din at mahusay sa pagguhit. Kinahiligan din niya ang pagsasayaw na naging daan upang mapabilang siya sa Crownstar Babes, isang Dance Group ng Crownstar Event Talent Agency. Sumasabak na rin siya sa local at international fashion show events.

Sa mabilis na paglipas ng panahon, ang kanyang pagsisikap ay nagbunga ng maraming pagtatagumpay at iba’t ibang parangal, dahil na rin sa pagsuporta ng kaniyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Ilan sa mga karangalang kanyang natanggap ay ang Philippines Fashion Awards, Influential and International Model of 2022, Multi – Awarded International Queen of 2022 at marami pang ibang award.

Ayon kay Marianne, ang pagkapanalo niya ay nagturo sa kanya ng maraming bagay sa buhay. Naluluha aniya siya kapag nagsasalita sa entablado tungkol sa mga bagay na nakatutulong sa tao at nagsisilbing inspirasyon sa marami.

Dahil sa kasikatan ay dumarami pa ang magagandang oportunidad mula sa iba’t ibang production company. Isa na rito ang Red Tiger Multi Media Production na pinangungunahan ng CEO na si Eduard Santos.

Sa darating na Oktubre 24, 2022 ay magtutungo sa Dubai ang batang beauty queen upang i-turn over ang korona sa susunod na magiging Little Miss Universe 2022. Ito na rin ang pagsisimula ng kanyang mahabang preparasyon para sa pagsabak naman sa Binibining Pilipinas.

Aldrin Puno

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.