Dalawa pang bagong CA justices, itinalaga ni PRRD

Dalawa pang bagong mahistrado ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Court of Appeals.

Ang mga ito ay sina CA Associate Justices Jacinto Gaviño Fajardo Jr. at Maximo Mercado De Leon.

Sa appointment papers na natanggap ng Supreme Court, sinabi na pinunan ni Fajardo ang binakanteng puwesto ni dating CA Justice at ngayo’y Supreme Court Associate Justice Rodil Zalameda.

Bago mailagay sa appellate court, si Fajardo ang presiding judge ng Talisay City, Cebu RTC Branch 66.

Pinalitan naman ni De Leon ang iniwang posisyon ni dating CA Justice Jane Aurora Lantion.

Si De Leon ang presiding judge ng Makati City RTC Branch 143 bago mahirang sa CA.

Kamakailan ay hinirang ng pangulo sa CA sina Associate Justices Michael Ong at Jennifer Joy Chua Ong.

Moira Encina

Please follow and like us: