SC iniutos ang pisikal na pagsasara ng mga korte sa anim pang lugar hanggang Peb. 15

Pisikal na sarado hanggang sa Pebrero 15 ang mga korte sa anim na karagdagang lugar na isinailalim sa Alert Level 3.

Ang mga ito ay ang first- at second-level courts sa Palawan, Camiguin, Davao Occidental, Dinagat Islands, Tawi-Tawi, at Sulu.

Alinsunod sa mga panuntunan ng Korte Suprema, suspendido ang in-court hearings para sa mga hukuman na nasa Alert Level 3 na lugar.

Tanging ang pinapayagan ay videoconferencing hearings sa mga urgent matters.

Maaari lang ma-contact ang mga apektadong hukuman sa pamamagitan ng kanilang official email address, hotlines, at Facebook page kung mayroon.

Sakaling may urgent matters at kinakailangan na pumunta nang pisikal sa hukuman ang kawani ay pinapahintulutan ang pagpasok on-site ng limitadong staff pero wala sila dapat na anumang sintomas ng COVID-19.

Moira Encina

Please follow and like us: