Dalawa pang inmates sa Correctional Institution for Women, nagpositibo sa Covid-19

Nadagdagan pa ng dalawang babaeng inmates mula sa Correctional Institution for Women ang nagpositibo sa Covid 19.

Dahil dito, 21  na ang bilang ng mga PDLs sa Womens Correctional na  nagpositibo sa virus.

Ayon sa Bureau of Corrections, ang dalawang babaeng PDLs ay parte ng unang batch na nakuhanan ng test.

Pero ang resulta ng Covid test ng dalawa ay nahuli at nitong Huwebes lamang lumabas.

Ililipat ang dalawa sa Quarantine area sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa city kung saan una nang dinala ang 18 babaeng PDLs na naunang nagpositibo.

Tiniyak ng Bucor na mahigpit na susundin ang transport protocols sa dalawang pasyente sa Bilibid sa Muntinlupa mula sa Womens correctional sa Mandaluyong city.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: