Dalawa patay, lima nawawala nang magbanggaan ang isang cruise ship at isang motorboat sa Hungary

Rescue teams were still searching for five missing people Sunday / Ferenc ISZA / AFP

Iniulat ng Hungarian police na dalawa ang namatay at limang iba pa ang nawawala, nang magbanggaan ang isang cruise ship at isang motorboat sa Danube, hilagang bahagi ng bansa.

Hanggang nitong Linggo ay nagpatuloy sa paghahanap ng survivors ang rescue teams, na binubuo ng 25 boats, isang helicopter at ilang drones.

Sinabi ng mga aworidad, na noong Sabado ng gabi, isang lalaki ang natagpuan na nagdurugo ang ulo malapit sa village ng Veroce, 55 kilometro (34 milya) sa hilaga ng Budapest, kapitolyo ng Hungary.

Ang lalaki ay hinihinalang sangkot sa isang aksidente, na posibleng isang boat accident. Agad namang nagsagawa ang pulisya ng search operation sa lugar.

Sa loob ng ilang oras na paghahanap, natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng isang lalaki at babae pati ang isang maliit na motorboat na mayroong damage, na kanilang dinala sa pampang.

Sinabi ng tagapagsalita ng pulisya na si Soma Csecsi, “The motorboat was carrying eight adults, five of whom — three men and two women — are still being actively searched for as missing.”

Hungarian media reported that the cruise ship involved in the accident is the Swiss-registered, two-storey Heidelberg / Ferenc ISZA / AFP

Ayon sa mga awtoridad, napag-alaman nila na isang cruise ship ang nasa lugar sa panahon ng aksidente.

Kalaunan ay pinigil ng pulisya ang isang cruise boat na kitang-kitang may damage, malapit sa isang bayan sa Komarom.

Tinukoy ng Hungarian Telex news-site ang cruise ship na isang Swiss-registered, two-storey Heidelberg, at iniulat na iniinspeksiyon na ito ng mga pulis.

Ayon pa sa report, tinatayang 110 mga pasahero ang lulan ng cruise ship at kinakausap na pulisya ang mga ito.

Ang sanhi ng aksidente ay hindi pa malinaw.

Sinimulan na ng mga awtoridad ang criminal proceedings laban sa isang hindi kilalang salarin sa hinalang gumagawa ito ng mga bagay na nagsasapanganib sa ‘water traffic’ na nagreresulta sa maraming pagkamatay.

Noong May 2019, nangyari ang pinakagrabeng boating accident sa Hungary sa nakalipas na mahigit kalahating siglo, kung saan dalawang vessels ang nagbanggaan sa Danube na ikinamatay ng 25 South Korean tourists at dalawang Hungarian crew members.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *