Dalawang Chinese nationals, arestado dahil sa pagmamaneho ng lasing sa Maynila

Arestado ang dalawang Chinese nationals dahil sa pagmamaneho ng lasing sa Maynila.

Kinilala ang mga naaresto na sina Cai Fang Bin at Man Man Chen na naaresto kaninang pasado alas-2:00 ng madaling-araw sa isang checkpoint sa Binondo.

Sa report ni Manila Police district (MPD) Station 11 Commander Lt. Col. Noel Aliño, si Cai Fang Bin ay kasing habang nagmamaneho at ang kasamng si Man Man Chen naman ay binastos at pumalag sa pulis na umaresto sa kanila.

Ayon kay Aliño, mabilis umano ang takbo ng sasakyan ng mga ito at wala rin itong driver’s license.

Inaresto aniya ang dalawa para malaman nila na ang pasaway at hindi sumusunod sa batas ay hindi pinapayagan sa Maynila.

Si Cai ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic code habang si Man Man naman ay mahaharap sa paglabag sa Article 151 ng Revised Penal code.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us: