Dalawang DFA Consular office sa NCR at Pangasinan, isinara muna matapos magpositibo sa Covid-19 ang ilang empleyado nito

 

Itinigil muna ang operasyon ng Consular offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa NCR o Robinsons Galleria Ortigas at Robinsons Place Pangasinan matapos magpositibo sa Covid-19 ang 12 mga empleyado nito.

Sa abiso ng DFA, ang suspensyon ng operasyon ay mula September 13 hanggang 17, 2021.

Ang mga apektadong passport applicants ay mag-antabay sa ipalalabas na bagong schedule appointment ayon sa ahensya o

Ayon sa DFA, 10 personnel ng DFA National Capital Region Central (Ortigas) at dalawa naman sa Calasiao ang nagpositibo sa virus habang natukoy na close contact ang ilang staff ng tanggapan.

Ang pagsasara ay pagbibigay daan sa disinfection ng gusali at opisina para sa kaligtasan ng mga tauhan nito.

Maaari namang makontak ang mga consular office sa mga sumusunod na numero:

*CO NCR Central: (02)86310806 / (02)86310700; [email protected]

*CO Calasiao: (075)6327892 / (075)6327932; [email protected] and [email protected]

Please follow and like us: