Dalawang Human Trafficker hinatulang guilty ng Korte sa Santa Cruz, Laguna

Pinatawan ng Lifetime imprisonment ng Korte sa Santa Cruz, Laguna ang dalawang babae dahil sa Human trafficking.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), sa desisyon ng Sta. Cruz, Laguna Family Court Branch 6 noong March 4, napatunayang guilty sa limang counts ng kasong Qualified Trafficking in Persons sina Mary Jane P. Mendoza at Magdalena M. Viray.

Pinagmumulta rin ng Hukuman sina Mendoza at Viray ng
2 milypng piso nang walang eligibility ng parole.

Inatasan din ang dalawa na bayaran ang bawat pribadong complainants ng Php 200,000 bilang moral damages at Php 100,000 bilang exemplary damages.

Sina Mendoza at Viray ay nadakip ng NBI Anti-Violence Against Women and Children Division sa entrapment operation noong Dec. 26, 2019 dahil sa pagbugaw sa mga menor de edad na kababaihan.

Nasagip din sa operasyon ang dalawang babaeng biktima kabilang ang tatlong minors.

Moira Encina

Please follow and like us: