Dalawa kataong naglalakad lang sa Zamboanga city, nahagip ng kotse, isa patay, isa kritikal

Binundol ng pagewang-gewang na kotse ang dalawang residente ng Barangay Tumaga, Zamboanga city habang naglalakad ang mga ito.

Nakagawian na ng mga biktimang sina Almasur Sibayan-44 anyos at Chloie Yap-30 anyos na maglakad bago ang kanilang regular exercise.

Ilang minuto, pagkalagpas nila sa isang poste na may nakakabit na CCTV ay biglang lumitaw ang pulang kotse sa kanilang likuran at saka sila binundol.

Agad dinala sa pagamutan ang dalawang biktima ngunit namatay si Sibayan habang ginagamot.

Ayon kay SPO3 Entizar Lajarani, nabangga pa umano sa poste ng ilaw ang kotse bago tinakasan ang insidente.

Pero makalipas ang ilang oras, sumuko din ito sa pulis.

Inako na ng may-ari ng kotse ang lahat ng gastos sa ospital at nakausap na rin nito ang namatayang pamilya.

Ulat ni Ely Dumaboc

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *