Dalawang kawani ng Angeles City RTC Branch 58 nagpositibo sa Covid-19

Pinalawig ang pagsasara ng Angeles City Regional Trial Court Branch 58.

Ito ay makaraang magpositibo sa Covid-19 ang dalawang empleyado ng nasabing hukuman.

Sa memorandum ni Executive Judge Omar Viola, sinabi na sarado hanggang sa October 15 ang Branch 58.

Pinayuhan din ang mga kawani ng korte na mahigpit na sundin ang home quarantine.

Para sa mga may sintomas na staff ay inabisuhan ang mga ito na muling magpa-swab test bago sila bumalik sa trabaho pagkatapos ng pinalawig na quarantine period.

Pwede lang din magreport muli sa trabaho ang mga nahawahang empleyado sa oras na ma-clear sila sa Covid swab test.

Maaari namang makontak ang korte sa kanilang email address at hotlines kahit pisikal na sarado ito.

Moira Encina

Please follow and like us: