Dalawang nakatakas na Bilibid inmates, ‘di pa rin nahuhuli ng mga otoridad

Nananatili pa rin na at-large ang dalawang PDLs na nakatakas sa New Bilibid Prison noong Enero 17.

Ang mga ito ay sina Drakilou Falcon at Chris Ablas na parehong sinentensyahan ng parusang reclusion perpetua.

Aminado si Justice Secretary Menardo Guevarra na habang lumilipas ang mga araw ay mas humihirap ang pagtunton at pagdakip sa mga inmates.

Tiniyak ni Guevarra na walang tigil ang Bureau of Corrections sa paghanap sa dalawa.

Nakipag-ugnayan na aniya ang BuCor sa ilang LGUs at Philippine Coast Guard.

Umapela rin ang kalihim sa dalawa na boluntaryong sumuko sa mga otoridad.

Inirekomenda rin ni Guevarra na ikonsidera na magbigay pabuya sa sinuman na makapagbigay ng impormasyon na magreresulta sa matagumpay na pag-aresto sa mga escapees.

Una nang inanunsiyo ng BuCor na magbibigay ito ng Php100,000 na pabuya sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga tumakas.

Moira Encina

Please follow and like us: