Dalawang pawikan, nabawi sa isang residente sa Lopez, Quezon

Nakuha sa pag-iingat ng  ng isang lalaki sa Lopez, Quezon ang dalawang pawikan.

Kinilala ang residente na si Anthony Derla Gonzales, ng barangay Manguisan, Lopez Quezon.

Bukod sa isang pares ng pawikan, nasabat din ng mga otoridad sa tahanan ni Gonzales pangunguna ni Police Inspector Romulo Adoreno Albacea ang isang kalibre 45 baril na may serial number na 717590, isang pirasong bala ng cal.50 at limang pirasong  magazine  ng cal.45.

Isinilbi ang search warrant sa atas ni Judge Agripino Morga ng Branch 29-32 ng San Pablo City

Dinala naman ang mga nakumpiska sa tahanan ni Gonzales sa crime laboratory at nakatakdang i-turn over sa municipal accessor’s office.

Please follow and like us: